Loading...

Breaking News

Kapuso Hunks rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2014 at Kapamilya Star James Reid nahulog at agaw eksena.

Kabilang ang ilang Kapuso hunks sa mga rumampa sa taunang Cosmopolitan Bachelor Bash nitong Miyerkules ng gabi. Ang heartthrob na si James Reid, aksidenteng nahulog naman sa stage.


Sa ulat ng GMA late night news  Saksi, sinabing kabilang sa mga Kapuso hunk na nagpainit ng gabi ay sina Geoff Eigenmann, Pancho Magno at Benjamin Alvez.

Tinilian din nang husto sina Rafael Rosell, Jeric Gonzales at JC Tiuseco.

Kasama ring rumampa si Mister Philippines International 2014 PO2 Mariano Flormata Jr., na mapapanood nang umarte sa Magpakailanman episode sa Sabado.

Samantala, nahulog naman sa entablado ang heartthrob na si James Reid habang nagpe-perform.

May suot na dark glasses ang young actor habang kumakanta nang bigla itong mawala sa ibabaw ng stage.

Kaagad naman siyang nakaakyat sa stage at itinuloy ang pagkanta na parang walang nangyari.

Kumalat naman kaagad sa internet ang naturang insidente at maraming netizens ang humanga sa propesyunalismo ng aktor. -- FRJ, GMA News

 

1 comment:

  1. ha...ha...ha...nakakatawa si james sobrang yabang kasi nakakahiya.....dami kung tawa

    ReplyDelete