ABS-CBN hindi natinag sa tv ratings noong Agosto.
Nananatiling pinakamatatag sa TV ratings ang ABS-CBN matapos itong
muling manguna noong Agosto sa buong bansa. Pumalo ang average total day
audience share nito sa 43%, o walong puntos na mas mataas sa 35% ng
GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Nangunguna pa rin ng ABS-CBN ang primetime (6PM-12MN) sa average audience share na 49%, o 15 puntos na mas mataas sa 34% ng GMA. Napanatili ng Primetime Bida ng ABS-CBN ang panalo nito maging sa iba pang panig ng bansa, partikular na sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) kung saan nakatamo ito ng 52%, sa Visayas (63%), at sa Mindanao (62%). Ang mga nakuha naman ng GMA sa mga nasabing lugar ay 34%, 25%, at 24%.
Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Makikita rin sa ulat ng Kantar Media na labing-isa sa 15 pinakapinanood na programa noong Agosto ay mula sa ABS-CBN.
Numero uno ang Asia’s longest drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” sa buong bansa sa naturang buwan sa average national TV rating na 28.7%. Malaking tagumpay ang episode nito noong Agosto 16 tampok ang kwento ng buhay ng “The Voice Kids” champion na si Lyca Gairanod dahil sa napakataas na rating na 38.4%, o triple sa nakuha ng “Magpakailanman” sa nasabing araw na 12.8%.
Wagi rin ang ‘master teleserye’ na “Ikaw Lamang” na pangalawa sa listahan at nagkamit ng average national TV rating na 28.4%. Inabangan ng manonood ang pagbubukas ng ikalawang aklat ng teleserye noong Agosto 11 na may 28.1% national TV rating, kumpara sa kalaban nitong “My Destiny” na may 15.2%.
Pinakapinanood din ang “Hawak Kamay” ni Piolo Pascual na nakuha ang ikatlong pwesto sa average national TV rating na 28.1%. Naabot nito ang all-time high national TV rating na 30.4% noong Agosto 28.
Ang ilan pang Kapamilya shows sa top 15 ay ang “Wansapanataym,” (26.8%) “TV Patrol,” (26%) “Rated K,” (24.8%) “Home Sweetie Home,” (20.7%) “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” (20.2%) “Pure Love,” (19.2%) at “Goin’ Bulilit” (18.7%). Hindi rin nagpahuli rito ang nakakaaliw na programang “Mga Kwento Ni Marc Logan” (17.6%) tuwing Sabado na kakasimula pa lang noong Agosto 9.
Kumapit ang mga manonood sa Big Night ng Twitter-trending reality show na “Pinoy Big Brother All In” (27.9%) noong Agosto 24 sa kabila ng paglulunsad ng GMA ng bago nitong katapat na “Sa Puso Ni Dok” (9.8%).
May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

Terey!
ReplyDeleteGo zaijan...GO GO GO
ReplyDelete