Loading...

Breaking News

Sexy Drama na Moon of Desire magtatapos na ngayong August 15.

Kaabang-abang ang mga eksena sa huling tatlong linggo ng sexy drama na Moon of Desire na pinagbibidahan nila Miko Raval, Dominic Roque, Ellen Adarna, Meg Imperial at JC de Vera.

Mataas ang ratings ng Moon of Desire sa nationwide tv ratings base sa datos ng Kantar Media at dinudumog din ang mga mall shows nito.

Naextend ang Moon of Desire dahil sa maganda ang istorya at kung hindi kami nagkakamali dalawang buwan ang extension nito.

Nagsimula ang Moon of Desire noong March 31 at magtatapos ito ngayon darating na August 15 sa makatuwid umabot ito ng apat na buwan katumbas ng isang season.

Pero may tsika na minadali daw ang pagtatapos nito dahil lumamya ang kwento nito na hindi nagustuhan ng pinoy viewers.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments