Loading...

Breaking News

Hamon sa GMA: Turuan ng leksiyon si Suzette Doctolero!

Kailangang iupo ng GMA 7 ang kanilang writer na si Suzette Doctolero. Hindi makagaganda sa network ang pinaiiral na ugali ng kanilang nasasakupan. Sa halip na maunawaan ng publiko ang katwiran ng istasyon kontra sa naging hakbang ni Aljur Abrenica ay kaaway pa ang kanilang makukuha nang dahil sa Doctolerong ito.

Magaspang magpakawala ng mga salita ang writer ng kanilang mga tele-serye, naturingang manunulat, pero mukhang salat sa kaalaman ng magandang lengguwahe ang taong ito dahil namemersonal siya.

Tinawag niyang mukhang kabayo at animal si Jobert Sucaldito sa nalalaman niyang pailalim na laban. Hindi niya binanggit ang pangalan ng kolumnista, pero parang pako si Suzette na nakatago ang katawan, pero litaw naman ang kanyang ulo.

Kung ano-anong masasakit na salita ang ipinakain niya kay Jobert na sunod daw nang sunod kay Aljur, sa halip na magpasalamat dahil nakalibre sila nu’n sa publisidad ng aktor dahil sa pagtulong ni Jobert, pinagtawanan pa ‘yun ni Doctolero at inilarawan si Jobert na in-love na in-love sa kanilang artista.

Matalas ang dila ng babaeng ito, hindi siya nagiging karagdagan sa network na pinaglilingkuran niya, nang-iimbita ng kaaway ang tono ng pagpapakawala niya ng mga depensa.

Kung ang argumento ay A, dapat ay du’n lang umiikot si Doctolero, huwag siyang lulundag sa B, at lalong huwag niyang pinepersonal ang mga taong nagtatanggol kay Aljur Abrenica dahil ‘yun ang kanilang opinyon.

Ang uri ng tao ay nasusukat natin sa paraan ng kanyang paglaban. Malaki o maliit man ang ugat ng argumento, tayo mismo ang nagbibigay ng ideya sa publiko kung saan tayo nanggaling, paano nga ba natin sasabunutan ang kalbo?


Written by: Cristy Fermin/Bandera

1 comment:

  1. MAS NAUNA C JOBERT NA NAGSALITA AGAINST SUZETTE...LOL... KAYA NAGALIT SI SUZETTE... PERO TATOO NAMAN ANG SINABI NI SUZETTE EH..:l)

    ReplyDelete