Loading...

Breaking News

Family drama na MY BFF magtatapos na sa Setyembre.!

Usap-usapan ngayon na malapit na tigbakin ang family drama na My BFF dahil hindi daw ito nagrarate at mahina ang pasok ng adloads.

Hindi ba kasisimula pa lang nito noong June 30 so bakit tatapusin na ito ano pa't mataas ang nakukuha nitong ratings sa AGB Nielsen pero bagsak naman sa Kantar Media.

Wala nga bang dating sa pinoy viewers ang seryeng ito at bakit hindi manlang ito napag-uusapan sa social media.

Sa mga hindi nakakaalam ang mga bida sa My BFF ay ang dalawang kapuso child wonder na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey kasama rin dito sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs.

Ang tsika ang ipapalit na programa dito ay ang balik tambalan nina Jhake Vargas at Bea Binene na kaagad nilatagan ng proyekto dahil natsismis na lilipat ang batang aktres sa bakuran ng kapamilya network.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. thats not mona louise ray.

    ReplyDelete
  2. Want part time or Full time job?? Work from the safety of your own home.

    Email me at yhuan.flores@yahoo.com

    For more details kindly visit www.unemployedpinoys.com

    ReplyDelete