Loading...

Breaking News

Ejay Falcon, JC de Vera, Cristine Reyes at Angelica Panganiban bibida sa remake na Pasion de Amor.

Siguradong papatok ang serye ito dahil  mula sa isang sikat na mexican novela na ipinalabas nuon sa kapamilya network ang nakatakdang iremake nang ABS-CBN at ito nga yung Passion de Amor na idi-direk ni Eric Quizon.

Ayon sa aming scoop na nakalap ang mga bida sa gagawing remake na Passion de Amor ay ang mga nagseseksihan na kapamilya aktres na sina Cristine Reyes at Angelica Panganiban.

Matagal na silang walang teleserye ginagawa ang huling serye ni Angelica ay ang Apoy sa Dagat samantala si Cristine naman ay ang Honesto.

Maliban kina Cristine Reyes at Angelica Panganiban makakasama nila ang bagong kapamilya hunk actor na si JC de Vera na bumida sa mga serye The Legal Wife at Moon of Desire na magtatapos na sa Agosto 15.

Hindi tinukoy pero sa scoop na aming nakalap ay posibleng makasama si Ejay Falcon sa remake na Passion de Amor, hindi sya dumaan sa audition ng nabanggit na remake dahil nakapag test shots na sya so ibig sabihin kasama ang batang aktor sa proyektong ito.

Ang huling serye ginawa ni Ejay ay ang Dugong Buhay at pumatok sa panlasa ng pinoy viewers, tila paiinitin tayo ng mga bida sa remake na Passion de Amor at malamang sa huling slot sa primetime ito ilalagay.

Naunang naibalita na kasama dito si Diether Ocampo pero tila mukhang malabo na mapasama sya dito dahil nasa ibang bansa at ang tsika may sakit daw ito.

Abangan sina Ejay Falcon, JC de Vera, Cristine Reyes at Angelica Panganiban sa remake na Passion de Amor malapit na sa ABS-CBN.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments