Da WHO: Young actor walang talent kaya pinaghuhubad na lang?
"Hindi
masyadong kagalingan sa pag-arte, pwes, alam ko na ang gagawin ko sa
kanya para mapagtakpan ang kakulangan niya. Tutal, guwapo siya,
gumaganda na ang katawan niya, papalicious na siya, maraming tumitiling
girls sa kanya lalo na ang mga gays, yun ang strength niya, yun ang
gamitin natin-- ang katawan niya."
'Yan ang sey ng mahusay na bading na direktor sa mga staff ng movie na tapos na at nakatakda nang ipalabas.
Very
"limited edition" lang daw ang kayang ibuga sa aktingan ng guwapong
young actor, kaya ilang eksena rin na ginamit ng direktor ang katawan
niya.
No, not for personal satisfaction o consumption. To the delight of the movie audience.
At in fairness, nag-click pa nga sa first movie nito na hindi kagandahan ang title.
And in that movie ay oo nga, no? Ilang sexy scenes niya ang nanunukso ng audience at na-e-L as in "naliligayahan" sa kanya.
Kaya 'wag na kayong ma-shock kung sa forthcoming movie niya ay ganun uli ang formula: less acting, more teasing.
At true enough, ayon sa aking source ay dinamihan ni Directed By ang "nakapag-iinit ng laman" na eksena ni Young actor.
"Hay,
nako... Kung mapapanood mo ang movie, parang gusto mong hubaran siya
dahil parang malalaglag na ang pants niya at shorts niya dahil halos
sumungaw na ang kagubatan!" sey pa ng aking source.
Okay. You just read it and you can read it again.
Written by: Ogie Diaz/Push

It's Jamed Reid. (Read it and read it again)
ReplyDeleteDiary ng Panget (Di kagandahang Movie)
di ba??