Beteranang aktres na si Gina Pareño magbababu na sa Kapamilya Network?
Hindi lamang si Gina Pareño kundi maging ang kanyang anak na si Raquel ay inanunsyo ng GMA na mapapanood sa episode ngayong gabi ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.
Ang paglabas nito sa isang programa ng GMA ay hudyat ba nang kanyang paglipat sa network na alam ng lahat na nagsimula nang kumontrata ng mga beteranong artista?
At hindi naman mapasusubalian na isa sa pinaka-magagaling na beteranong artista ng bansa si Gina na sa ABS-CBN na yata nagkatahid!
Isang impormante ang nagbigay sa akin ng impormasyon na natapos na ang kontrata ni Gina sa ABS-CBN. Freelancer ito sa kasalukuyan kaya pwedeng lumabas sa alinman sa mga TV network tulad ng GMA, TV 5, at iba pa.
Maganda ang role na inalok sa kanya ng Kapuso Network and since makakasama niya ang anak niya sa trabaho, nagpasya siyang subukang magtrabaho sa tinatayang pinakamortal na kalaban ng dati niyang kinabibilangan na network.
Wish lang ng mga tagasubaybay niya na panatilihin niya ang kanyang pagiging freelancer at huwag tuluyang iwan ang ABS-CBN dahil marami rin itong magagandang proyekto na maari niyang samahan.
Written by: Veronica R. Samio/Pilipino Star Ngayon

Unemployed Pinoys can earn money while working at home. just an internet and pc!
ReplyDeleteUnemployed is Brave and a choice to be a Freeman.
Join us today at www.unemployedpinoys.com