Loading...

Breaking News

ABS-CBN Primetime Bida bumida sa puso ng mga pinoy, GMA Telebabad semplang sa AGB Nationwide Ratings.!

Patuloy ang bakbakan ng mga programa sa magkakaibang network dahil bukod sa pinag-uusapan ito sa mga social media dapat wagi rin ito sa panlasa ng pinoy viewers.

Base sa datos na inilabas ng AGB Nielsen Philippines nuong August 8 sa kanilang Nationwide (People/Individual Points) wagi ang mga programa ng kapamilya network.

Panalo sa ratings ang unang pinagbidahan ni Alex Gonzaga na teleserye sa pagbabalik nya kapamilya ang Pure Love na pumalo sa 7.8% laban sa My BFF na nakakuha ng 6%.


Pagdating naman sa pagbabalita wagi ang TV Patrol World sa nationwide ratings nakakuha ito ng 10.6% kumpara sa 9.1% ng 24 Oras.

Wagi ang family drama na Hawak Kamay at nakakuha ito ng 11.1% kumpara sa 10.4% ng Niño samantala patuloy na namamayagpag sa ratings ang serye Ikaw Lamang at nakapagtala ito ng 12.2% laban sa My Destiny na 10.2%.

Panalo din nationwide ang serye Sana Bukas Pa Ang Kahapon na nakakuha ng 10.6% laban sa 9.8% nang Ang Dalawang Mrs. Real.

Humataw din sa ratings ang Abunda and Aquino Tonite na nakakuha ng 7.1% at 6.5% nang PBB All In laban sa Bubble Gang na 7.5% ang nakuha.

Ang datos na nasambit ay nagmula AGB Nielsen Philippines mula sa kanilang AGB Nationwide (People/Individual Points).


 For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments