Loading...

Breaking News

Niño pinatumba kaagad ang bagong serye ni Piolo Pascual

Kahapon nagsimula ang bagong serye ng ABS-CBN na "Hawak Kamay" na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Nikki Gil, Iza Calzado kasama ang mga Child Wonders ng Kapamilya na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brillantes at ang bagong child wonder na si Yesha Camile.




Pero ang naturang serye di man lang natalo ang Religious Drama ng GMA Network na "Niño". Base sa datos ng AGB Nielsen Mega Manila ang "Niño" nakakuha ng 22.2 percent laban sa Bagong Serye na "Hawak Kamay" na nakakuha lamang ng 18.1 percent.

Panalo din ang Niño sa Urban Luzon kung saan nagrerepresenta sa 77 (percent) ng Urban Philippines. Nakakuha ang Niño ng 20.6 percent laban sa Hawak Kamay na 19.1 percent.

May pag-asa pa kayang manalo ang Hawak Kamay or tuluyan na itong mapatumba ng Niño?

Mapapanuod ang Hawak Kamay Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng TV Patrol.

No comments