Loading...

Breaking News

Drama Series na The Half Sisters at Dading patuloy na nagrereyna tuwing hapon, Moon of Desire at PBB All In Uber butata sa ratings.

Bumalik na sa dati nitong sigla ang GMA Afternoon Prime laban sa Kapamilya Gold dahil todo hataw na sa ratings at may laban na ang mga programa handog ng GMA7.

Ang timeslot na kinabibilangan ng mga naturang programa ay mahalaga dahil pagkatapos manuod ng noontime show, handog  nila ang magagandang serye tuwing hapon.

Sa datos na inilabas ng Kantar Media nuong July 8-9 wagi sa nationwide tv ratings ang mga programang The Half Sisters at Dading.

Nakakuha nuong July 8 ang drama series na The Half Sisters ng 10.4% na ratings laban sa 8.8% nang Moon of Desire, hindi din nagpaawat ang Dading na nakakuha ng 10.7% laban sa 7.6% nang PBB All In Uber.

Patuloy ang pagrereyna ng mga programa sa GMA Afternoon Prime dahil nuong July 9 nakapagtala ang The Half Sisters ng 10.7% at dikit ang laban sa Moon of Desire na 10.6% ang nakuha, humataw din ang Dading at nakakuha ito ng 10% laban sa 7.7% nang PBB All In Uber.

Ang datos ay nagmula sa Kantar Media na syang pinagkakatiwalaan ng mga advertisers pagdating sa survey.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments