Awayang Claudine Barretto at Raymart Santiago, tututukan ngayong Lunes ng Face The People!
Ngayong
Lunes, tatalakayin ng Face The People ang isa sa mga
pinaka-pinaguusapang issue sa showbiz ngayon sa pag-harap ni Atty.
Ferdinand Topacio, abogado ng kontrobersyal
na aktres na si Claudine Barretto, sa taumbayan ng Face The People.
Madalas
nadadawit si Atty. Topacio sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang
kliyenteng si Claudine Barretto. Mula pa man ng hinawakan niya ang kaso
ni Claudine, usap-usapan
nang mas malalim pa ang relasyon nila ng aktres. Napabalita rin ang
Asian cruise trip ni Atty. Topacio at Claudine, ang pagpapalitan nila ng
mga mamahaling regalo, at ang larawan kung saan masayang kumakain ng
fish balls ang dalawa. May mga nagsasabi ring
libre ang serbisyo ni Atty. Topacio kay Claudine.
Mabilis naman ipinagtanggol ni Claudine ang abogado. Ayon sa kanya:
“Kung lahat nga ng mga lalaki sa mundong ito ay kagaya ni Attorney Topacio, masaya lahat ng mga babae sa mundong ito!”
Samantala,
maging ang iba’t-ibang mga entertainment at showbiz reporters ay
nagpahayag ng kanilang mga opinyon sa issue. Para kay Danny Batuigas,
obvious ang relasyon
nila Claudine at Atty. Topacio. Para sa showbiz radio host na si
Richard Pinlac naman, hindi daw dapat bigyan ng malisya ang samahan nila
bilang mag-kliyente.
Sa
huli, inakusahan ni Claudine ang kanyang asawang si Raymart Santiago ng
kapabayaan raw bilang ama. Nagpahayag din si Claudine na isa siyang
battered wife at peke
raw ang civil wedding nila ni Raymart.
Matatapos
na ba ang sigalot sa pagitan nina Claudine at Raymart sa Face The
People o patuloy lang hahaba ang awayan nila sa mga pahayag ni Atty.
Topacio? Tutukan yan
sa Face The People ngayong Lunes, 10:15AM sa TV5 bago ang Let’s Ask
Pilipinas!

No comments