Loading...

Breaking News

ABS-CBN nangunguna pa rin sa buong bansa noong Hunyo.

Mas pinanood pa rin ang ABS-CBN sa mas maraming kabahayan sa buong bansa noong Hunyo matapos pumalo ang average audience share nito sa 45%, o 13 puntos na mas mataas sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.  Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Lumabas din sa datos ng Kantar Media nitong Hunyo na mas maraming manonood ang kumapit sa mga programa ng ABS-CBN sa buong araw dahil nanguna ito sa lahat ng time blocks.

Ang Umaganda (6AM-12NN) ng ABS-CBN ay nagkamit ng average audience share na 39%, habang may 34% naman ang GMA. Isa ang patok na game show na “The Singing Bee,” na may national TV rating na 12.9%, sa nag-ambag sa lamang na ito sa kabila ng paglulunsad ng bago nitong kalaban na “Basta Everyday Happy” (4.9%).

Nakakuha ng average audience share na 40% ang ABS-CBN para sa early afternoon block (12NN-3PM) nito, habang may 32% ang GMA. Siyam na puntos namang mas mataas ang ABS-CBN (42%) pagdating sa late afternoon block (3PM-6PM) kontra sa GMA (33%).

Hindi pa rin natitibag ang Kapamilya network pagdating primetime block (6PM-12MN) na may average audience share na 51%, o 21 puntos na mas lamang sa 30% ng GMA. Ang patuloy ng pamamayagpag ng Primetime Bida ay bunsod ng mga dekalidad nitong teleserye kabilang na ang “The Legal Wife” na nagwakas noong Hunyo 13 sa record breaking national TV rating na 36.2%. Patuloy namang nag-aagawan ang “Dyesebel” at “Ikaw Lamang” sa una at ikalawang pwesto sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa tuwing weekdays. Mainit namang sinalubong ng mga manonood ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ni Bea Alonzo noong Hunyo 16 sa national TV rating na 21.7%

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Muling pumatok ang pagbabalik ng legal drama seryeng “Ipaglaban Mo” na hango sa mga tunay na pangyayari. Patunay nito ang average national TV rating na 13.8%, o halos doble sa nakuha ng kalabang “GMA Tales of Horror” na may 7%.

Nakamit naman ng “The Voice Kids” ang all-time high national TV rating nito na 37.6% noong Hunyo 8. Ang naturang singing reality show din ang nanguna sa listahan ng 15 pinakapinanood na programa sa bansa noong Hunyo sa national TV rating na 35.6%.

Sa kabuuan, 13 programa sa nasabing listahan ay mula sa ABS-CBN kabilang na ang “Dyesebel” (31%), “Ikaw Lamang” (30.7%), “Maalaala Mo Kaya” (30%), “The Legal Wife” (28.8%), “Wansapanataym” (28%), “TV Patrol” (26.8%), “Rated K” (23.3%), “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” (21.4%), “Mirabella” (19. 6%), “Home Sweetie Home” (18.8%), “Goin’ Bulilit” (18.7%), at “It’s Showtime” tuwing Sabado (16.5%).

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon.  Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.


TABLE 1.  TOTAL DAY NATIONAL TV VIEWERSHIP IN JUNE 2014 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 45%
2 GMA 32%
3 TV5 11%
Source: Kantar Media

TABLE 2. MORNING (6AM-12NN) TV VIEWERSHIP IN JUNE 2014 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 39%
2 GMA 34%
3 TV5 11%
Source: Kantar Media

TABLE 3. EARLY AFTERNOON (12NN-3PM) TV VIEWERSHIP IN JUNE 2014 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 40%
2 GMA 32%
3 TV5 13%
Source: Kantar Media

TABLE 4.  LATE AFTERNOON (3PM-6PM) TV VIEWERSHIP IN JUNE 2014 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 42%
2 GMA 33%
3 TV5 12%
Source: Kantar Media


TABLE 5.  PRIMETIME (6PM-12MN) TV VIEWERSHIP IN JUNE 2014 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 51%
2 GMA 30%
3 TV5 9%
Source: Kantar Media

TABLE 6.  TOP 15 PROGRAMS IN JUNE 2014 (NATIONAL HOMES)

RANK CHANNEL TITLE RATING%
1 ABS-CBN THE VOICE KIDS 35.6
2 ABS-CBN DYESEBEL 31
3 ABS-CBN IKAW LAMANG 30.7
4 ABS-CBN MAALAALA MO KAYA 30
5 ABS-CBN THE LEGAL WIFE 28.8
6 ABS-CBN WANSAPANATAYM 28
7 ABS-CBN TV PATROL 26.8
8 ABS-CBN RATED K 23.3
9 ABS-CBN SANA BUKAS PA ANG KAHAPON 21.4
10 GMA MAGPAKAILANMAN 20.4
11 ABS-CBN MIRABELLA 19.6
12 ABS-CBN HOME SWEETIE HOME 18.8
13 ABS-CBN GOIN’ BULILIT 18.7
14 ABS-CBN IT’S SHOWTIME (Saturday) 16.5
15 GMA NIÑO 16.3
Source: Kantar Media

No comments