Loading...

Breaking News

Serye nila Marian Rivera at Angel Locsin magtatapatan sa primetime.!

Inaabangan na ang mga serye Carmela na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at The Legal Wife na pinagbibidahan ni Primetime Queen Angel Locsin.

Nakatakdang umere sa enero 27 ang serye Carmela na ipapalabas sa GMA7 at The Legal Wife na ipapalabas naman sa ABS-CBN kaya naman may namumuong tensyon sa dalawang programa.

Tuloy-tuloy ang pagpapalabas ng mga teaser ng dalawang programa pero sa teaser ay walang nakalagay na timeslot pero ang sigurado ay sa primetime ito ipapalabas.

Ang tsika kasi balak ng Kapamilya Network na itapat mismo ang The Legal Wife sa serye Carmela para magkaalaman kung sino ang wagi sa dalawang programa.

Matatandaan na dating reyna si Angel Locsin sa GMA7 at sa paglipat nito si Marian Rivera naman ang pumalit sa pwesto nito.

Kayo mga kakulay kung kayo ang tatanungin anong programa kaya ang papanuorin ng mga pinoy at sino naman kaya ang magwawagi sa laban na ito?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

6 comments: