Loading...

Breaking News

Pagpapakilala sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nagka-aberya imbes sa gitna sa likod rumampa.!

Marami ang nakapansin na mga viewers at usap-usapan din ito sa sikat na online forum na Pinoy Exchange dahil maraming pagkakamali at nagkaroon pa ng aberya sa paglabas ni Marian Rivera sa opening number sa programang Sunday All Stars.

Pansin na pansin ng mga fans at avid viewers ng naturang network ang mga kamalian nuong linggo sa programang Sunday All Stars mula sa pagkaway hanggang sa pagrampa at pag-ikot ay pansin nila.

Bongga na sana ang opening number na ito kaya lang sa hindi inaasahan na eksena ay hindi bumukas ang malaking bilog na nasa gitna ng stage at sa loob na yun ay naroon si Marian Rivera.

Dahil sa hindi bumukas napagpasyahan na sa likod nalang dumaan si Marian Rivera maganda pa naman ang pagpapakilala sa kanya kaya lang ay nagkaroon ng problema sa paglabas nito.

Sa kabuuan ay naging matagumpay din ang naturang opening number dahil maraming bagong kapuso stars ang ipinakilala ng GMA7.

Sa video ito ay na-edit na ang naturang aberya pero pwede din kayo manuod sa mga replay sa ibat-ibang mga sites na mayroon livestream narito at panuorin nyo.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. kawawang CArmela! dapat kasi c Rhodora ang pinagitna mas bagay ky Jennylyn! haha

    ReplyDelete