Loading...

Breaking News

Pagkatapos ng interview ni Vhong Navarro, Deniece Cornejo kinuyog ng mga netizens sa social networking sites.

Inabangan ng madlang pipol ang exclusive interview ni Boy Abunda sa programang Buzz ng Bayan sa Its Showtime host na si Vhong Navarro.

Binanggit ni Vhong ang mga sangkot sa pambubogbog sa kanya sa isang condo mula sa The Fort at lumabas ang pangalan nila Cedric Lee at ang sinasabing apo daw ni Felipe Gozon CEO ng GMA7 na si Deniece Cornejo.

Pagkatapos ng interview ay lumabas ang mga litrato at mga katauhan ng mga nambogbog kay Vhong Navarro at kumalat ito sa social media.

Ngayon naman ay tila gustong makaganti ng mga netizens para ipagtanggol nila si Vhong Navarro na walang awang pinagsusuntok, hinubaran at hindi pa nakuntento ay kinunan pa ng video ng walang saplot ang private part ng nasabing host.

Kaya naman kinuyog at mismong mga netizens na ang sumugod sa facebook account nito Deniece Cornejo at kung anu-anong panlalait at masasamang salita ang ikinomento nila.

Sa ngayon ay naka deactivated na ang facebook ni Deniece Cornejo.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments