Loading...

Breaking News

Imbes sa GMA News Cedric Lee at Deniece Cornejo nagpa interview mismo ng eksklusibo sa ABS-CBN.

Ikinaloka ng madlang pipol at netizens ng malaman at mapanuod nila ang isang eksklusibo interview nila Cedric Lee at Deniece Cornejo na sangkot sa pambubogbog sa Its Showtime host na si Vhong Navarro.

Sa programang Bistado ni Julius Babao ay idinetalye mismo ng mga sangkot sa pambubogbog na sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa ABS-CBN News ang panig nila.

Pinalabas din ang exclusive interview nila sa TV Patrol at sinabi ni Deniece Cornejo na kung meron man daw biktima dito ay sya un.

Marami din ang nalokang netizens at madlang pipol sa nangyari paglabas ng dalawa sa nasabing istasyon dahil mismo sa ABS-CBN News sila nagpainterview via Bistado na umere kaninang hapon at nakapanayam ni Jay Ruiz.

May ilang kapuso din ang nadismaya na bakit sila nagpainterview sa ABS-CBN, kung inyong matatandaan na binansagan ng mga netizens ang GMA na Philippines Worst Network at trending ito sa twitter.

Patunay na sa pagbabalita ay ang ABS-CBN ang mas pinagkakatiwalaan kahit kapamilya talent si Vhong Navarro ay naging patas ang kanilang pagbabalita, text message lang ang ipinadala ni Deniece Cornejo sa GMA7 at may interview din ito sa 24 Oras pero mas unang umere ang interview nila sa programang Bistado.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments