Loading...

Breaking News

Louise delos Reyes bibida sa pinakamalaking sirenaserye "Kambal na Sirena"

Kung ang ABS-CBN ay nahihirapan sa pagpili na gaganap na Dyesebel kabaliktaran naman ito sa GMA7 dahil kaagad at mas mabilis sila pumili na gaganap sa kanilang unang pasabog sa 2014.

Ito na ang pinakamalaking sirenaserye for 2014 nang kapuso network dahil napili na nila ang susuot ng buntot sa pinakabagong telefantasyang handog sa 2014 na may tentative title na Kambal na Sirena.

Si Louise delos Reyes ang maswerteng napili bilang si Arabella sa sirenaserye Kambal na Sirena at balitang si Aljur Abrenica ang makakatambal nya dito.

Sa mga hindi nakakaalam ay pinaghiwalay na muna ang tambalan nila LouDen Louise delos Reyes at Alden Richards dahil si Alden ang bagong leading man ni Marian Rivera sa drama series na Carmela na opening salvo din sa 2014.

Abangan ang paglangoy ni Louise delos Reyes sa karagatan at ang malaking tanong makakatapat ba nito ang serye Dyesebel yan ang pakaabangan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments