Loading...

Breaking News

Kapuso Primetime Prince "Richard Gutierrez" magiging kapamilya na?!!

Palaisipan parin kung matutuloy ang paglipat ni Kapuso Primetime Prince "Richard Gutierrez" sa kapamilya network dahil sa kawalang aksyon ng kanyang mother network.

Usap-usapan kasi sa mga forum na kapag matuloy ang paglipat ng kapuso actor na si Richard Gutierrez ay balitang ipapareha ito kay Bea Alonzo sa kanyang upcoming teleserye sa 2014.

Nagtapos na ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA7 at hindi din maitatago na may mga offer sa kanya ang ibang istasyon, pero kung hindi kami nagkakamali ay may gagawin pa itong pelikula sa GMA Films.

May mga naglabasan din na balita na ipapareha ito kay Angel Locsin sa pelikula kapag natuloy ang paglipat nito sa ABS-CBN.

Matatandaan  na dapat magsasama sila Angel at Chard sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya pero hindi ito natuloy at pinalitan ito ni Paulo Avelino.

Abangan na lang natin sa susunod na taon ang pasabog ni Annabelle Rama at kaabang-abang din  ang magiging desisyon nila kung mananatili ba si Chard sa kapuso station o tuluyan na itong lilipat sa ibang network.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments