Loading...

Breaking News

Kapamilya Actress napili bilang si "Dyesebel"

Nakapili na nga ang ABS-CBN Management sa gaganap sa pinakamalaking fantaserye for 2014 ang Dyesebel na aalagwa sa susunod na taon.

Ang Dyesebel ay isa sa mga opening salvo ng kapamilya network para sa kanilang 2014 Primetime Programs na talaga naman pinag-uusapan.

Ayon sa report ay nakapili na ang ABS-CBN na gaganap na Dyesebel at anumang araw ngayon ay magpaparamdam na ang kapamilya aktres na sya ang napili bilang si Dyesebel.

Balita namin na irereveal ang teaser na ito sa mga sinehan sa december 25 kung saan magaganap ang MMFF 2013 at kung hindi kami nagkakamali sa mga pelikulang Pagpag at Girl Boy Bakla Tomboy ito ilalagay kung tama ang ulat na aming nakalap.

Isa kina Erich Gonzales, Anne Curtis at Julia Montes ang maswerteng gaganap bilang si Dyesebel yan ay kung hindi nagbago ang listahan sa mga pinagpilian. Wala kasing nakakaalam kung meron idinagdag o naging final na ba ang tatlong aktres sa mga pinagpipilian.

Pero kami ay alam na namin kung sino ang gaganap kaya wait na lang kung may go signal na para isiwalat kung sino sya.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments