Loading...

Breaking News

Aktres na si Jodi Sta.Maria dalawang buwang buntis?!!

How true itong nakalap namin na balita na nagdadalang tao ang kapamilya aktres na si Jodi Sta.Maria sa karelasyon nya na si Jolo Revilla.

Kapansin-pansin kasi na medyo may katabaan ang aktres kaya naman napapabalita itong buntis at ngayon araw din ay may mga naglabasan na blind item na kung saan si Jodi Sta. Maria ang tinutukoy.

Dagdag pa dalawang buwan buntis diumano si Jodi Sta.Maria sa kanyang latest boyfriend na si Jolo Revilla hindi ba't di pa annulled si Jodi sa dati nyang asawa na si Pampi Lacson.

Aba'y kung totoo nga ang tsikang ito maaring sampahan ng kaso si Jodi Sta.Maria ng kanyang dating asawa na si Pampi.

Base naman sa Blind Item ni Danny Batuigas isang showbiz writer mula sa Remate.

Teleserye actress 2-months preggy sa dyowang politiko.

DYUSKO day! Usap-usapan ngayon sa apat na sulok na showbiz ang pagdadalang tao ng isang sikat maganda at mahusay na tele-actress queen na ito.

2 months preggy raw ang nasambit na tele-actress queen at ang tinuturong ama ng kanyang dinadala ay isang gwapo, batang-bata at mayaman na galing sa mga pulitiko na isa ring batang ama.

Kunsabagay patas na ang dalawang ito (Politician at Teleserye Queen) dahil nga may dyunakis na rin ang nasabing tele-actress queen sa nauna niyang relasyon na anak ng isang senator. Hahahahahaha!

Paano na kaya ito gayong buntis na nga ng dalawang buwan ang nasambit na actress noon pa mang unang makarating sa kanyang unang nakarelasyon at sinasabing ama ng kanyang anak ay nagbabanta na magsampa ng demanda ang anak ng isang senador.

Patunay lamang na parang naghahabol pa rin sa naturang actress ang anak ni senator kaya lang, hindi umubra sa korte ang reklamo nito. Kasi nga, kung magaling na aktres sa kanyang teleserye, magaling din itong magtago sa relasyon niya sa anak ng senador at isa pang politician na kahahalal lamang noong nagdaang eleksyon bilang mayor.

Siguro naman may laban na ang anak ng senador rito kay teleserye queen kapag naghain siyang muli ng reklamo sa korte lalo na’t ang kanyang ebidensya ay ang pagdadalang tao nga nitong si teleserye queen.
Tanong, sa mga ganitong banta kay teleserye queen na mauuwi diumano sa kanyang pagkakakulong kung sakaling maghain nga ang kanyang dating nakarelasyon at ama ng kanyang anak, itutuloy pa kaya ni teleserye queen ang kanyang pagbubuntis?

Kunsabagay, walang bahid-dungis ang pagkababae nitong si teleserye queen dahil after nung makarelasyon niya ang anak ng senador, ang baguhan at gwapong politician lamang ang nakasunod niyang naging papa at never pa itong naba-blind item na nakipag relasyon sa ibang lalake or nagpalaglag.

Kaya nga botong-boto raw sa kanya ang pamilya ng gwapong politician na sinasabing ama ng kanyang pinagdadalantao sa ngayon dahil sa maganda ang imahe ng teleserye queen na ito.
Excited na nga raw si aktres sa pinaplano nilang pagpapakasal ng kanyang karelasyon ngayon na isang vice governor pala sa isang probinsya.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

12 comments:

  1. Ayun nga hindi nga annulled pero nakabuntis naman si Pampi, si Iwa di ba?

    ReplyDelete
  2. How sure are you with this news or chismis...nakaksira kayo ng reputation ng tao at ang naalala nyo si Pampi dba nanganak na nga yung babae nya!!!!

    ReplyDelete
  3. Matanong ko lang po kayo ito bang issue na ito ay 100% kayong nakakasigurado na totoo o gusto niyo lang kumita kayo sa walang kabuluhang pagbabalita na hinde niyo muna pinag aralang mabuti at sabi nga ninyo kung may katotohanan ang tsikang ito di ibig sabihin niyan hinde nga kayo sigurado sa binabalita ninyo!!! mga punyeta kayo at mga bobong reporter tiyakin niyo muna bago kayo magpalabas ng mga balita ninyo at baka kayo ang masampahan ng demanda tapos magsasabi pa kayong maaring sampahan ng demanda si Ms. Jodi Sta. Maria ng dati niyang asawa bakit hinde niyo ba nakita or nabasa man lang kung sino ang unang gumawa ng karumal dumal na pagbuo ng anak di ba ang kanyang dating asawa at kabit niyang si Iwa Moto... Hoy mga walang kuwentang mamamahayag mag isip isip din muna kayo at gawin ninyong 100% na tama ang ibabalita ninyo bago kayo sumakay sa kasikatan ni Ms.Jodi Sta. Maria...

    ReplyDelete
  4. I don't think how the Kakulay allowed an author to used an erratic and malicious hoax story to published like this. Ang alam ko mga journalist ay meroon sila sinusunod na ethical codes to follow. Hins sa ganito gaumwa ng kuwento na nakakasira sa taong wala kinalaman. Mas mabuti pa sana kong itong mga information ay totoo dahil hindi masama ang magbigay ng totoong balita. Ngaon kung hindi totoo buntis si Miss Jodi Sta Maria, malaking pananagutan ng Kakulayscoop at ang sinungalin author na ito...Jodi Fan

    ReplyDelete
  5. Ang tanga ng nagsulat nito.nkakaloka!

    ReplyDelete
  6. hahaha.korek gnun pla un c husband n my krumal dumal n gnawa bad impluenz p.konsederd un pg c wifey gumawa sampahan n.pg tsure ui..k charooootan n blita.

    ReplyDelete
  7. D ba dapat adultery muna bago concubinage reporter?si pampi may anak kay iwa if masamang budhi pa si Jodi d dapat andon na sila iwa s kulungan ngaun dahil s adultery?.tama ba?

    ReplyDelete
  8. hahahahaha kaloka tong balita na to! ganon ba un pag nabuntis si jodi now, kakasuhan siya ni pampi dahil di pa annuled ang kasal nila? eh ano tawag mo don sa nauna na si pampi mkabuntis at nanganak na nga, ok lang yon? kACHEAPAN ito pagbabalita mo. pasikat! nakikisabay sa flow ng teleserye!

    ReplyDelete
  9. si Pampi ang nakagawa ng mali at di si Jodi. and FYI, super open si Jodi sa kanyang fans about her. she communicates with us sa twitter and tells us openly about her. so i really don't believe this nonsense issue. Attention-seeker lang? haha.

    ReplyDelete
  10. Not true! check jodi's twitter. nakakaloka naman tong blog nato!? get your facts straight!

    ReplyDelete
  11. nag gain lang ng weight buntis na??? writer naman kung gusto nyong sumakay sa kasikatan ni Jodi pasuble naman wag garapalan!!!

    ReplyDelete
  12. isang malaking WOW sa nagreport neto!!! gaww gawa ng issue pag my time..porket sikat yung tao sinisiraan na... mga walang magawa sa buhay!

    ReplyDelete