Loading...

Breaking News

Dahil sa kanyang ginawang kahihiyan Korina Sanchez nagbabalak na mag retiro sa susunod na taon?!!

Hanggang ngayon ay hindi parin tinitigilan ang Kapamilya News Anchor na si Korina Sanchez ng mga makakati ang dila dahil panay parin ang pangbabatikos sa nasabing anchor.

Ayon sa aming nakalap na scoop ay nagbabalak diumano itong si Ms.Korina Sanchez na mag resign sa kanyang tv at radio programs sa susunod na taon.

Walang kinalaman daw ang pag-resign nya sa isyung pang-ookray nya sa isang CNN reporter na si Anderson Cooper, dagdag pa may kinalaman daw ito sa maaga nyang pag-retiro sa 2014.

Ibig sabihin nito kapag natanggap na ng pamunuan nang ABS-CBN ang kanyang resignation sa kapamilya network otomatiko mawawala ang kanyang mga programa katulad ng TV Patrol at Rated K pati na rin ang programa nya sa radyo.

Sa impormasyon aming nakalap ay mag-aaral diumano si Korina Sanchez para tapusin ang kanyang Doctorate degree tila may isang anchor na ang papalit sa kanyang trono na mahigpit nyang kalaban sa naturang istasyon.

Kung totoo ang aming nakalap na balita isa itong malaking kawalan sa ABS-CBN dahil si Korina Sanchez ay isa na sa mga haligi ng naturang network.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments