Loading...

Breaking News

Alessandra de Rossi nag-walk-out nang matalbugan ni Angelica Panganiban, sigaw ni Alessandra "Its Unfair"

Totoo pala ang tsika na nagwalkout itong si Alessandra de Rossi sa naganap na Cinema One Originals 2013 base kasi sa ulat ni Ambet Nabus mula sa Remate ay narinig at nakita diumano nila ang pagsigaw nito.

WALK-OUT ngang matatawag ang ginawa ni Alessandra de Rossi nang talunin sa pagka-Best Actress ni Angelica Panganiban sa PLUS Division ng Cinema One Originals 2013 sa seremonyang ginawa last Saturday sa Dolphy Theater.

Dalawa lang silang naglaban via their entries na Alamat ni China Doll for Angelica at Ruins of A Woman ni Alessandra o Alex. Dinig na dinig namin ang naging komento nito nang patanong nitong na-sey na “talagang dalawa lang?,” habang binabasa ng presentor ang nominees and eventually nga ay winner na si Angelica.
Narinig at nakita pa namin ang pagsigaw nito ng “it’s unfair” after manalo si Angelica at ang paglabas nito sa Dolphy theater noong umaakyat na ang nabanggit na winner.

May mga nagsasabing ganun talaga ka-vocal at ka-natural si Alex. May mga nagpapalagay namang kabastusan daw yun ng isang talunan. May mga naniniwala namang nagbibiro lang daw ito. Anuman ang totoong rason, a walk-out is walk-out di ba mga tugang na Pete at Abe?

Kung totoo nga ito hindi ba matanggap ni Alessandra de Rossi na tinalo sya ni Angelica Panganiban bilang best aktres sa nasabing patimpalak.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments