Loading...

Breaking News

ABS-CBN News Anchor Korina Sanchez sinupalpal sa social media dahil sa pagkomento nya sa CNN Reporter na si Anderson Cooper.

Sinupalpal si ABS-CBN News Anchor Korina Sanchez sa social media dahil sa kanyang blind item sa kanyang radio program na DZMM.

Nuong miyerkules (nobyembre 13) nga nangyari ang insidente sa kanyang radio program at base sa kanyang blind item isang "blonde reporter ng CNN"  ay mali-mali raw ang mga balita at hindi alam ang sinasabi.

Kaya naman maraming taga pakinig at viewers ang napaisip sa kanyang maanghang na blind item na pumukaw sa mga netizens na aktibo sa social media.

Sa mga hindi nakakaalam bago ibigay ni Koring ang blind item nung umaga na yun ay katatapos lang ng programa AC360 ni Anderson Cooper mula sa CNN.

Ito siguro ang nagpaninit sa ulo ni Koring dahil siguro nabasa nya ang tweets ng banyagang reporter dahil nagpahayag ito ng frustration sa mabagal na pagtulong ng pamahalaan sa mga biktima ni Super Typhoon Yolanda.

“The scene here at the airport is desperate."
"The people in Tacloban have great dignity and deserve better than what they have gotten."
"I have not seen a large Philippine military presence out around here."
"The search and rescue never materialized."
"There are mothers searching for their children, it is a sickening sight five days later."

Kaya naman umani ng batikos ang  ABS-CBN News Anchor na si Korina Sanchez sa mga netizens dahil totoo naman ang sinabi ni CNN reporter na si Anderson Cooper na may kabagalan ang aksyon ng pamahalaan ano pa't nandun sya mismo sa lugar ng Tacloban City na kung saan malaki ang pinasala na idinulot ni Yolanda.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments