Loading...

Breaking News

The Buzz tuluyan ng tinigok sa ere, ilang netizens nag-alburoto.!!

Nauna na naming naibalita na ipinaglaban ni Boy Abunda ang kanyang talk show na The Buzz para huwag tigbakin sa ere (read here).

Matatandaan na mahigit isang dekada na ito umere at marami na din itong programang pinataob pero sa halip na maisalba ay napag desisyunan ng kapamilya network na wakasan na ito.

Una na naming naibalita na magpapaalam na sa ere ang The Buzz (read here) at kinalaunan ay nabalitaan namin na imbes na tigbakin ay irereformat na lang ito (read here) pero sa huli ay nagpasya ang pamunuan ng ABS-CBN na palitan ito ng panibagong programa.

Ang Buzz ng Bayan ang pamalit na programa sa The Buzz at kakaiba ang handog ng bagong programang ito dahil mabusisi ang pagtatalakay ng mga isyung kinakaharap ng mga artista.

Sina Janice de Belen, Carmina Villaroel at Boy Abunda ang magiging host ng Buzz ng Bayan na magsisimula na ngayong oktubre 20 pagkatapos ng LUV U.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. Mas mataas pa kasi ratings ng Mojacko kaysa sa The Buzz.

    ReplyDelete