Loading...

Breaking News

Sey ni Suzette Doctolero "Bakit.Siya.Ang.Darna?" kaya ilang netizens sinupalpal ang writer.

Nagbunga ng malaking kaguluhan sa mga social networking sites ng magpost ang GMA7 writer na si Suzette Doctolero sa kanyang official facebook account tungkol na si Angel Locsin parin ang gaganap na Darna.

Bakit.Siya.Ang.Darna? I like her pero nagawa na niya. Saka...saka dapat iba na ang ginagawa niya. Level up na. Nagawa na niya e. Bakit siya? Ay, bakit ba ako nakikialam? Hindi nga pala ako taga kabila hahaha.

Dahil sa kanyang sinabi ay maraming netizens ang nagtaas ng kilay at sinupalpal ang nasabing writer sa kanyang pahayag sa twitter man o facebook.

Wala naman siguro masama magpahayag dahil meron tayong freedom of speech kahit ako pwede punahin ang sinuman kaya naiintindihan ko naman si Madam Suzette, pero may ilan kasing taga hanga na ipaglalaban nila ang lahat kapag ang idolo na nila ang pinag-uusapan.

Hindi bat dapat tayong matuwa dahil ang Pinay Superhero ay mapapanuod ulit natin sa big screen, pwede bang magkaisa na lang tayo at suportahan ang bawat isa.

Sana din ung ilang netizens hinay-hinay lang po tayo sa mga binibitawan natin na salita dahil tao naman po si Suzette Doctolero nasasaktan din ito, kaya nga merong "make love not war" magpapasko na kaya dapat magbago na tayo.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments