Loading...

Breaking News

TV5, sabay-sabay ang mga programang ilulunsad!

Sa September 14 (Sabado) at September 15 (Linggo) ay sabay-sabay ieere ng TV5 ang kanilang naglalakihang programa.


Kaya't napaka-engrande ng araw na iyon para sa TV5. Ito ay bahagi ng pagpapaganad ng TV5 sa kanilang Saturday at Sunday Line-up. Ito ang mga programang ieere nila.


Isa ang Showbiz Police na ihohost nila Cristy Fermin, Lucy Torres-Gomez, Raymond Gutierrez at marami pang iba. Magsisimula ito ngayong September 14 at 3:00pm.

Isa pa ang Foreign Game Show na Killer Karaoke na ihohost naman ni Michael V. pero sa Pilot Episode nito ay mga Foreign Artist muna ang mapapanood bilang Specials nila. Magsisimula ito ngayong September 14 at 6:00pm.

Isa pa sa dapat abangan ay ang Tropa Mo Ko Unli na kinabibilangan nila Ogie Alcasid, Gelli De Belen, Ritz Azul at napakarami pang iba. Magsisimula ito ngayong September 14 at 9:00pm.

Isa pa sa mga dapat abangan ay ang What's Up Doods? na ihohost ni Edu Manzano na mapapanood na ngayong September 14 at 11:30pm.


Isa pang dapat abangan ay ang pagbabalik ng Pinoy Explorer ihohost pa rin ito ni Aga Muhlach. Magsisimula na ngayong September 15 at 6:00pm.

Isa pa sa dapat abangan ay ang pagbabalik ng Who Wants To Be A Millionaire Season 10 na ihohost ni Vic Sotto. Magsisimula ito ngayong September 8 bilang Who Wants To Be A Millionaire Ikaw Yun kung saan babalikan ang mga dating naglaro. Pero ang unang episode nito ay mapapanood sa September 15 at 7:00pm.

Isa pa sa mga bagong programa ay ang pagbabalik ng Wow Mali Pa Rin na ihohost pa din ni Joey De Leon pero ngayon ay mas magulo, mas masaya at mas matinding gud taym. Magsisimula na ngayong September 15 at 8:00pm.

Isa din sa dapat tutukan ay ang pagsasama ng Song Writer at Mega Star na sina Ogie Alcasid at Sharon Cuneta sa The Mega And The Song Writer. Magsisimula ito ngayong September 15 at 9:00pm.

Kaya't asahan ang mas magandang Saturday at Sunday Line-Up.

Bagong Schedule simula September 14!

Wowowillie-12:00-3:00
Showbiz Police-3:00-3:45 (New Show)
Sine Ko 5 Hapon-3:45-5:30
Aksyon Sabado-5:30-6:00 (New Timeslot)
Killer Karaoke-6:00-7:00 (New Show)
Tropang Kulit-7:00-7:30 
Hayop Sa Galing-7:30-8:30 (New Timeslot)
Tropa Mo Ko Unli-8:30-9:30 (New Show)
Sine Ko 5 Primetime-9:30-11:00 
Pilipinas News-11:00-11:30
What's Up Doods?-11:30-12:15 (New Show)

Bagong Schedule simula September 15!
LokoMoko U-12:00-1:00
Sine Ko 5 Hapon-1:00-3:00
Sine Ko 5 Hapon 2-3:00-5:00
Istorifik Pidol's Kwentong Fantastik-5:00-6:00 (New Timeslot)
Pinoy Explorer-6:00-7:00 (New Show)
Who Wants To Be A Millionaire-7:00-8:00 (New Show)
Wow Mali Pa Rin-8:00-9:00 (New Show)
The Mega and The Song Writer-9:00-10:30 (New Show)
Pilipinas News-10:30-11:15 

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog










No comments