Diary Ng Panget, pinag-aagawan na!
Inumpisahan ng "Bakit hindi ka crush ng crush mo?" na pinagbidahan ni Kim Chui at susundan naman ng "Diary ng Panget" na gagawin ding movie. Ang nasabing kwento ay hango sa wattpad na parang isang online pocketbook at ginawa na ring libro.
Una na itong inilabas ng Viva Films na siyang magiging producer ng movie, ngunit wala pang napipiling casts para dito. Pero sa simula pa lamang ng balita na gagawin ngang movie ang "Diary ng Panget" ay nagsimula na ding magpatalbugan sa pag-trend ang mga fans kung sino ang gusto nilang gumanap sa naturang palabas.
Sa katunayan, trending in the Philippines ang iba't-ibang loveteam na gustong gumanap sa movie na ito; nariyan ang KathNiel, JhaBea, JoshBie at KrisJoy. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding inilalabas ang Viva Films kung sino nga ba ang mga gaganap dito.
Sa kabilang banda na pagtingin ko sa twitter ay napako ang aking atensyon sa isang nagpapa-trend din para sa movie na ito. #HiroPeraltaAndKirayCelisForDNPTheMovie, 'yan ang sigaw ng mga tagahanga at tagasuport nina Hiro Peralta at Kiray Celis. Si Hiro Peralta ay ang gumaganap na janitor/waiter na partner ni Nina sa AnnaKareNina at si Kiray Celis naman ay ang komedyante at naging cast ng Luv U.
Sa katunayan ang dalawa ay nagtambal na din sa movie na "The Mommy Returns" at ang "Ded na Ded Sa U".
Sa akin ding nabasang tweet ay nag-suggest na ang writer ng "Diary ng Panget" kung sino ang gusto niyang gumanap na mga bida dito. Sino kaya ito?
Sa tingin n'yo mga kakulay, sino ba ang bagay para sa movie na ito?
Abangan na lang natin kung sino nga ba ang mapipisil na mga bida para sa palabas na ito.
For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com
Original Article from Kakulay Entertainment Blog
Original Article from Kakulay Entertainment Blog


nag trend po si Sam Concepcion at Devon Seron for this movie, PH and Worldwide #4 po :)
ReplyDeleteheto po screencap --> https://www.facebook.com/photo.php?fbid=665062350172064&set=a.142818935729744.26489.142721379072833&type=1&theater
Thank you