Loading...

Breaking News

Teleserye ni Heart Evangelista ilalagay sa panghapon, sigaw ng fans bakit hindi sa primetime.!

Taong 2012 pa nagkaroon ng primetime series si Heart Evangelista at ito nga yung Legacy at ang huli naman nya na drama series ay ang Forever na umere lang ngayon taon sa GMA Afternoon Prime.


Ngayon magtatapos na ang 3rd quarter ng taon ikinasa na ang bagong proyektong gagawin ni Heart Evangelista sa kapuso network.


Si Maryo J. Delos Re­yes ang magiging direktor nito at muling magtatambal sina Heart at Sid Lucero pero tila nainis ang ilang fans ni Heart kung bakit ilalagay ito sa panghapon at hindi sa primetime.

Ika nga nila hindi nila masusubaybayan ang serye ng kanilang idolo dahil may mga pasok sila tuwing hapon request ng ilang fans na dapat ilagay sa primetime ang drama series ng kanilang idolo.

Mas marami kasing viewers kapag primetime kaya mas marami ang makakapanuod o makakasubaybay nito kapag sa gabi ilalagay. Abangan na lang natin ang magiging desisyon ng kapuso network kung pagbibigyan ang hiling ng fans ni Heart na ilagay sa primetime ang serye Magkano Ba ang Pag-ibig? na dating Bayarang Puso ang title.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments