Loading...

Breaking News

Mundo Mo'y Akin, balak pang i-extend!

Dapat ay hanggang July 12 lang eere ang Teleserye ng GMA na Mundo Mo'y Akin pero dahil sa dami nang nag-request na i-extend ito at magandang ratings nito sa AGB ay inextend ito hanggang July 27 hanggang sa nabigyan pa ulit ng hanggang September 7. Kaya tuwang-tuwa ang mga Staff and Crew pati na ang Cast dahil sa bonus na sa kanila ang extension.

Nagdadalawang isip ang GMA kung bibigyan pa ito ng hanggang November dahil sa maganda ang feedback kahit na-extend sila ngunit nakahanda na ang papalit dito na Akin Pa Rin ang Bukas na matagal nang nakatengga at hinihintay na lang magtapos ang Mundo Mo'y Akin. 

Pero gaano katoo na balak ng GMA ilagay sa 3rd Slot ang Akin Pa Rin ang Bukas para mai-ere na ito at hindi magkaproblema kahit na bigyan ng extension ang Mundo Mo'y Akin.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog



No comments