Loading...

Breaking News

LJ Reyes humingi ng paumanhin sa kanyang Twitter account at sa programa ng Sunday All Stars.

Si LJ Reyes ay agad na ng post ng apology sa kanyang twitter account at humingi ng tawad sa mismong show ng GMA7 na Sunday All Stars dahil ito sa kanyang pagmumura LIVE on screen. Na kung saan na naipapalabas ito sa buong Pilipinas. Ang kanyang pagmumura ay hindi sinasadya sapagkat sya ay ginulat lamang ng isa sa mga star ng nasabing show na humantong sa kanyang pagmumura on screen. Nang sya'y magulat nasabi nya ang masamang salita na "PU****-INA".

Sa incidenteng ito ay agad naman syang humingi ng tawad sa mga manunuod at nagpost rin sya sa social media na twitter. Ang sbi nya "I sincerely apologize for my language earlier. I'm really sorry." and sa isang tweet pa nya ay "Bawal po talaga akong gulatin. pasensya na po." ang pagpapaliwanag ni LJ.

Gayunpaman, agad itong kumalat on twitter dahil alam naman natin na National TV iyon. Ano mang salita ang iyon sasabihin at galaw na iyong ipapakita ay agad agad itong naririnig at nakikita ng buong bansa sapagkat ang taong bayan ang siyang bantay ng showbiz industry. Ano mang galaw ng isang artista ay tiyak na bantay sarado ng mga tao.

Kaya sa puntong ito -- since ang mga artista ay siyang laging nasa TV dapat ay maging maingat sila sa anumang salita at galaw na bibitawan nila. Sapagkat ang pagsisisi ay laging nasa HULI.


Written by: Admin Yale of  Philippine Current Gossip

No comments