Kakambal Ni Eliana nanguna sa ratings laban sa Pinoy True Stories.

Apat na buwan ang drama series na Kakambal Ni Eliana na napapanuod sa GMA Afternoon Prime at sa nalalapit na pagtatapos nito ay nagrereyna ito sa ere.
Patuloy na umarangkada ang serye Kakambal Ni Eliana na pinagbibidahan ni Kim Rodriguez ito din ang kanyang big break na ibinigay sa kanya ng kapuso network.
Dahil sa maganda ang istorya at napupulutan ng aral ay waging-wagi ito sa nationwide tv ratings ayon yan mismo sa Kantar Media Philippines na naglalabas ng daily nationwide ratings.
Patuloy na umaalagwa sa ere ang Kakambal Ni Eliana nakapagtala ito ng 10.8% nuong August 2, 2013 at nakakuha naman ang Pinoy True Stories: Hiwaga ng 7.5% na ratings sa makatuwid mas pinapanuod ang Kakambal tuwing hapon ano pat nagrereyna ang mga programa ng GMA Afternoon Prime tuwing hapon.
Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Kakambal Ni Eliana pagkatapos ng Maghihintay Pa Rin at bago mag My Daughter Seoyoung sa GMA Afternoon Prime.
For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com
Original Article from Kakulay Entertainment Blog
No comments