Loading...

Breaking News

Isang baguhang Aktor nakatakda ring mag-concert sa Araneta

Matapos ang matagumpay na concert ni Daniel Padilla sa Araneta nitong nakaraang April 30 lamang, nakatakda nanaman punuin ng isang baguhang aktor ng kapamilya network ang nasabing venue. Tama, isa ngang baguhang aktor ang nakatakdang mag-concert sa ilan sa mga kilalang concert venue ng bansa ang Smart Araneta Coliseum. Ito'y walang iba kundi si Richard Yap o kilala natin bilang si Sir Chief ng Be Careful With My Heart.

Maliban sa pag-arte at pagpapakilig ni Sir Chief sa nasabing #1 daytime series ng bansa na Be Careful With My Heart, abala rin si Richard Yap sa kanyang 'music career' Sa katunayan nga katatapos palang niya ng recording sa kanyang debut album na nakatakdang ilabas ngayong September. Napapaloob rito ang kanyang mga sariling version ng 80's at 90's hit songs.

Gayunpaman, naririnig-rinig na natin siya kumanta sa iba't ibang Mall shows sa bansa at sa lalo na sa mga Mall Tours nila kasama ang buong cast ng BCWMH. Na tutuusin mo may boses naman talaga itong si Sir Chief, tingnan mo naman pati mga bata, dalaga at lalo na sa mga may edad in-demand si Sir Chief. Kaya kagaya ni Daniel, tutuparin rin ng management ng ABS-CBN ang pangarap ni Richard Yap na makapag-concert sa Araneta.


Kaya pagkatapos ng launching ng debut album ni Richard Yap, nakatakda namang ganapin ang first big major concert ng nasabing baguhang aktor. At ito'y nakatakdang ganapin sa Smart Araneta Coliseum anumang buwan mula ngayon. Sapagkat, wala pang final date ang nasabing concert ngunit ang venue ay sigurado na. 

Mapuno kaya ni SIR CHIEF ang nasabing venue kagaya kay Daniel? ABANGAN!

Written by Admin Yale 





1 comment: