Loading...

Breaking News

Dahil sa mataas ang ratings “Dugong Buhay” extended hanggang september.

Nagsimula nuong April 8, 2013 ang teleserye Dugong Buhay at napapanuod ito sa Kapamilya Gold at sa pagsisimula nito ay maraming kakulay viewers ang tumutok sa naturang serye dahil sa ganda ng takbo ng istorya kahit pa pinatawan ng Rated SPG.

Bukod sa namamayagpag ito sa ratings patuloy din tinitilian at iniidolo ang bida sa naturang serye na si Ejay Falcon, binansagan din syang “Prince of Daytime Drama”

Extended hanggang september ang Dugong Buhay dapat ay isang season lang ito katumbas ng tatlong buwan pero dahil sa mainit na pagsuporta ay na-extend ito ng dalawang buwan sa makatuwid aabot ito ng dalawang season.

Abangan ang mas lalong umiinit na eksena sa teleserye Dugong Buhay pagkatapos ng My Little Juan sa Kapamilya Gold.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments