Loading...

Breaking News

My Husband’s Lover nakatakdang magtapos ngayong september.!?

Pinag-uusapan parin ngayon sa mga social networking sites ang teledrama na bumago sa mata ng pinoy viewers ang My Husband’s Lover na gabi-gabi inaabangan at pinag-uusapan.

Nagsimula nuong June 10 ang serye My Husband’s Lover at saktong isang buwan na ang nasabing programa pero totoo kaya itong nasagap namin na balita na hanggang september lang ito eere.

Ayon sa scoop na aming nakalap tatlong buwan o katumbas ng isang season lang ang itatagal ng programang ito at totoo din kaya na sa pagtatapos nito ay papalitan ito ng programa ni Marian Rivera at Alden Richards na kakaibang tema din ang dala ng kanilang bagong soap opera.

Dahil nga hit ang bekiserye My Husband’s Lover posible nga ba itong maextend o kaya naman hanggang september na lang talaga ito kapansin-pansin din sa kapuso network na iisa lang ang programa na pinagtutuonan nila yan ay sa pananaw ko.

Kung napapansin nyo sa kapamilya network kapag hit ang isang programa ay iniextend nila para pahabain ang istorya minsan umaabot ito ng walo o sampung buwan bago matapos ang serye, limang buwan ang kadalasan taning sa mga primetime series.

Kung maextend man ang My Husband’s Lover plus papasok ang primetime series ni Marian Rivera sa september aba napakalaking pagkakataon ito para mapalakas ang GMA Telebabad abangan na lang natin sa mga susunod na araw ang pagbabago sa balitang ito.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments