Loading...

Breaking News

MUST SEE: ABS-CBN Declares 'Barcelona: A Love Untold' This Year's no.1 Movie.

Mainit na pinag-usapan sa social media ang pelikula nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold dahil sa ganda ng istorya.

Kakaibang Kathryn at Daniel nga ang napanood sa Barcelona: A Love Untold dahil mature na ang kanilang ginagampanan role bilang sina John Elias "Ely" Antonio at Celine Antipala / Mia dela Torre.

Marami kasi ang bumilib sa husay na pagganap ng Kathniel sa pelikulang ito at halatang binusisi, pinaghandaan at ginastusan ang pelikulang ito.



Hindi din maiiwasan na ikumpara ang movie nang Kathniel sa pelikula ng Aldub na Imagine You and Me na ayon sa huling datos na inilabas noong Hulyo ay kumita ito ng mahigit Php120 million.


Bukod kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla napansin din ang husay sa pag-arte ng batang aktor na si Joshua Garcia at hindi kami magtataka kung bigyan sya ng big break nang ABS-CBN.

Nasa ika-apat na linggo na ang pelikulang Barcelona: A Love Untold sa mga sinehan at dagsa pa rin ang ilang pinoy saang sulok ng mundo para panoorin ang naturang pelikula.


Magkaroon kaya ng pa-burger sa empleyado nang Star Cinema dahil balitang malaki ang kinita ng Barcelona: A Love Untold.

Ayon sa tweet ni Star Cinema PR "Roxy Liquigan" no.1 na diumano ang pelikulang Barcelona: A Love Untold ngayong taon at asahan sa mga susunod na araw ay maglalabas sila ng kabuuang kita ng nasabing pelikula.

Samantala ang tv host actress naman na si Karla Estrada ina ni Daniel ay nagpost din ito sa kanyang instagram account na nagsasabi na no.1 ang Barcelona at nagpasalamat din siya sa mga sumuporta at nanood ng pelikula.

Nakakaalarma dahil hindi nakaligtas sa pamimirata ang pelikula Barcelona: A Love Untold dahil laganap ang pagpost, upload at pagshare ng netizens sa Facebook upang makapanood ng libreng sine.




For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments