Loading...

Breaking News

Kris Aquino nakilala na ang mga Sang’gre, tutok sa Alyas Robin Hood ng GMA.

TUWANG-TUWA ang loyal followers ng fantaseryeng Encantadia at ng action-drama series ng GMA na Alyas Robin Hood matapos umamin si Kris Aquino na napapanood na rin niya ngayon ang mga nasabing Kapuso shows.

Hindi lang daw mga Kapamilya series ang natututukan niya ngayon kundi pati na ang mga programa ng Kapuso Network sa pamamagitan ng split screen application sa kanyang TV set.


Sey ni Kris, kilala na rin daw niya ngayon ang mga karakter sa Encantadia, “So, ngayon kilala ko na ang mga Sang’gre!Nakilala ko sila kasi natuto na akong mag-split screen,” na ang tinutukoy nga ay ang mga bida sa Encantadia na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, and Sanya Lopez. 

Dagdag pa ng TV host-actress, “Fan din ako ng Alyas Robinhood (na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes). Pinanonood ko talaga. I’m a switcher. Kasi JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ako, so pagkatapos ng Till I Met You du’n ako sa Alyas Robin Hood. So, lumawak ang mundo ko. Kasi for so long, yun (ABS-CBN) lang, e.”

“Kung dati ang memorize ko yung sa amin lang, ngayon alam ko na. Kilala ko na si Karelasyon (ni Carla Estrada), tapos yung #Like (hosted by Tom Rodriguez). Napanood ko lahat yun,” sabi pa ni Kris.

Written by: Ervin Santiago

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments