Loading...

Breaking News

Kapatid ng isang sikat na Action Star, Radio Anchor, Sexy Star, Matinee Idol, TV Host involved sa illegal drugs!

Humingi kahapon ng paumanhin si Noli de Castro sa listeners ng radio program niya sa dzMM dahil sa kanyang maling balita tungkol kay Mark Anthony Fernandez, ang 37-year old actor na inaakusahan na nahulihan ng isang kilo ng marijuana.

Buong ningning na ibinalita ni De Castro na anak si Mark nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez. Itinuwid ni De Castro ang pagkakamali niya nang makatanggap siya ng mga text message mula sa kanyang mga tagapakinig.

Matapos mag-apologize, sinabi ng former vice president ng bansa na anak si Mark nina Alma Moreno at Rudy Fernandez.


Nakakulong sa Station 6 ng Angeles City Police Station si Mark pero itinanggi nito ang akusasyon na siya ang may-ari ng marijuana na nakuha sa kanyang sasakyan.

Sinabi ni Mark na bibili siya ng marijuana mula sa isang dealer nang hulihin siya ng mga pulis at hindi niya alam kung saan nanggaling ang isang kilo ng marijuana. Itinanggi rin ng aktor na dinakip siya sa isang security checkpoint.

Nonetheless, inamin ni Mark na gumagamit ito ng marijuana para hindi siya magkaroon ng cancer.

Pinabulaanan ni Angeles City Police Chief Inspector Francisco Guevarra, Jr. ang mga pahayag ni Mark. Ayon kay Guevarra, pinahinto si Mark ng mga pulis sa checkpoint ng Barangay Birhen Delos Remedios pero pinaharurot ng takbo ng aktor ang sasakyan na minamaneho.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga pulis at ni Mark hanggang makarating sila sa San Fernando, Pampanga. Napilitan ang mga tumutugis kay Mark na barilin ang gulong ng sasakyan niya kaya nadakip siya.
Delikado ang ginawa ni Mark na pagtakas kaya masuwerte na hindi siya nasaktan.

Matagal nang nakatira sa Pampanga si Mark, mula nang maghiwalay sila ng kanyang misis na si Melissa kaya hindi nakapagtataka na nahuli siya sa nabanggit na probinsya. Hindi naman ikinagulat ng mga nakakakilala kay Mark ang bagong kaso na kinasasangkutan niya dahil alam sa showbiz na maraming beses na siyang ipinasok sa mga drug rehabilitation center.


Sa interview namin noon kay Mark, sinabi nito na changed man na siya pero kontra ito sa nangyayari sa kanya noon. Ang huling balita na nakarating sa amin, gusto ni Mark na manirahan sa puntod ng kanyang ama sa Heritage Park pero hindi siya pinayagan.

Dahil sa pagkakadakip kay Mark, lumitaw ang impormasyon na kasama siya sa listahan ng mga celebrity na sangkot sa illegal drugs at under surveillance ng Philippine National Police.

Sa Facebook post ng entertainment writer na si Joey Sarmiento, sinabi nito na nasilip niya ang listahan ng mga Showbiz Personality na involved sa illegal drugs kaya feeling emotional siya.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Joey pero nagbigay siya ng mga clue na madaling hulaan kung pamilyar ka sa mga kaganapan sa showbiz.

Dating sikat na Sexy Star na hindi na masyadong active sa showbiz, dating Matinee Idol na anak ng isang sikat na aktor sa showbiz, lalaking Field Reporter ng isang malaking TV network, isang Production Executive ng isang indie film outfit, isang Radio Anchor ng malaking am station, isang TV Host na pinagdududahan ang gender at kapatid ng isang sikat na Action Star.

Written by: Jojo Gabinete

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments