Loading...

Breaking News

KALAT NA! Ms. World Philippines, tinipid ang production.

TINANONG namin si Direk Louie Ignacio kung siya ba ang director ng Ms. World Philippines noong Linggo, hindi pala.

Kagagaling lang niya sa 12th Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan na tumanggap ng special jury ang pelikula niyang Area.

Nagulat din si Direk sa mga text na natanggap niya habang ipinalalabas ang Ms. World dahil may nagtatanong kung anong nangyari sa kanya?


Halatang low budget ang production value, halatang tinipid, hindi na-control ang crowd at may taong dumaraan habang pinanonood sa TV. Camera angling ang problema. Hindi rin kagalingan ang mga performer bukod kay Mark Bautista.

Mga nameless din ang nag-opening sa pageant maliban kay Kim Molina na nakilala namin sa pelikulang Camp Sawi.

Kilala kasi si Direk Louie na direktor ng mga nakaraang Ms. World pero ngayong taong ito ay hindi siya ang humawak. Para kasing iniraos lang ang presentation ng Ms. World Phils ngayong taon.

Written by: Roldan Castro

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments