Loading...

Breaking News

Da WHO: Kilalang Aktor na produkto ng reality show iniiwasan ng produksyon dahil laging nakakalimutan ang dayalog.

HANGGANG maaari pala at meron pang ibang artistang makukuha ay iwas na iwas ang produksiyon ng isang malaking network na i-casting ang isang male personality na produkto ng isang reality show.

Kilala na siya, pero aminado ang production staff na malaki siyang abala sa daloy ng trabaho, sa tagal na niya sa pag-arte ay parang naba-agoong na ang kanyang talento.

Kuwento ng kanyang mga kapwa artista ay pinakabata na para sa male personality ang take three, kung wala siyang dayalog ay take two, magpipista kuno sila kapag nakuha niya sa take one lang ang kanyang mga eksena.

Sa isang episode ng isang comedy show na siya ang bumibida sa isang segment ay nagkakaantukan pala ang mga crew kapag siya na ang nakasalang. Talagang paulit-ulit ang take dahil bakel nang bakel ang male personality at nakali-limot pa sa kanyang mga dayalog.


Kuwento ng aming source, “Ewan ba naman kung bakit ganyan si ____ (pangalan ng male perso-nality)! Nakakainis siyang kaeksena dahil okey ang lahat, sa kanya lang nagkakaroon ng problema dahil palagi niyang nakakalimutan ang mga dialogues niya!

 “Okey naman siya sa rehearsal take, pero kapag actual na, ‘yun na! Matutunaw na ang make up ng mga kasamahan niya, napapapadyak na ang iba dahil hindi talaga siya makapag-deliver ng mga lines niya nang maayos, blackout siya!

 “Takot na takot na siya kapag may mga camera, ninenerbiyos na siya sa actual take, ano kaya ang dahilan nu’n? Nagka-trauma kaya siya sa mga unang directors na nakatrabaho niya?

 “Siya na nga lang ang natitira sa batch nilang tumira nu’n sa isang malaking bahay, hindi pa niya pag-igihan ang trabaho niya?

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ayaw ng mga manok, itik at gansa ng ganyan!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Written by: Cristy Fermin

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments