Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actress na feeling sikat na, feeling the best in aktingan pa!

Produkto siya ng artista search. Hindi man nanalo, WAH siya care. Eh kasi ba naman, my jowa siyang DOM na madatung.

Give siya ni lolo ng car. Lahat ng maibigan niya, ibinibigay ng jowa niyang mashonda at masyuba.

Sabi ni young actress, may blood siyang jurtista, kaya feel niya talaga ang umakting. Para mahasa ang kanyang acting piece, nag-hire ng acting coach ang kanyang sugar daddy.

Sa taping na siya ang bida (take note), nagtataka ang co-stars niya. Bakit kapag si feeling sikat ang kinukunan, ang tagal-tagal matapos? Madaling-araw na…


Kukunan ang highlight ng serye. Nandoon ang mga bida at mga kontrabida. May mga extra pa. ACTION!

Ang tagal-tagal makunan nang maayos ang eksena. Hindi maibigay ni young actress ang tamang emosyon.

Hindi rumerehistro sa kanyang mukha ang silakbo ng damdamin na kaakibat ng kanyang dialogue. Tumitili na si direk sa inis, asar, galit at yamot. 

Kulang na lang, suntukin ni direk si young actress na naka-take 21 na. Pagod na ang lahat. Si acting coach, nag-disappearing act!

Ang solusyon ni direk, kunan nang nakatalikod ang bobitang bida at ipa-voice-over na lang!

Written by: Shalala

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments