Kris Aquino pumirma ng kontrata sa APT Entertainment, Boy Abunda naetsapwera?
MATUNOG na pinag-uusapan kahapon ang pagpirma raw ni Kris Aquino sa APT Entertainment kamakalawa.
Totoo bang nagtatampo si Kuya Boy Abunda kay Kris dahil hindi man lang siya kinunsulta nang pumirma ito sa APT?
Nagulat na lang daw si Kuya Boy nang nalaman niya na hindi man lang ipinaalam sa kanya ni Kris. Ang sabi pa ng aming source, hindi raw pipigilan ni Kuya Boy si Kris.
Pero sana, sinabi man lang daw sana sa kanya para maplantsa nila nang maayos kung ano ang tatakbuhin ng career niya sa pagpirma nito sa APT.
Sinusubukan naming tawagan si Kuya Boy pero hindi niya sinasagot ang mga tawag namin. Sa aming pagkakakilala sa dalawa, parang ayaw namin maniwalang nagkaroon ng tampuhan.
Imposibleng hindi ipaalam ni Kris kay Kuya Boy ang malaking desisyong iyun. Pero ang pagkakaalam namin, ang mga endorsement lang ni Kris ang pinapakialaman ni Kuya Boy.
Pagdating sa kanyang showbiz career, si Deo Endrinal ang nagha-handle, kaya wala sigurong kinalaman diyan ang King of Talk.
Pero dahil sa closeness nilang dalawa, malamang na na-open ‘yan ni Kris kay Kuya Boy.
Wala kaming nakuhang detalye tungkol sa pirmahan. Hindi alam ng aming source kung program o managerial contract ang pinirmahan ng Queen of All Media.
May ilang followers si Kris sa Instagram account niya na nagtatanong kung totoong pumirma na ito ng managerial contract sa APT.
May ilang namba-bash na dahil kinukuwestiyon na nila ang loyalty nito. Kung totoo ito, ang ganda naman ng timing ni Kris.
Umapir muna ito sa grand opening ng Ka Tunying’s Café ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna at saka pumirma sa APT. Tuluy-tuloy siyang pinag-uusapan. May ilan kaming naririnig na mga reaksyon sa isyung ito.
Isang Kapuso artist ang gulat na gulat na nag-react sa napipintong paglipat ni Kris sa GMA 7.
Kung magkakaroon nga ito ng programa sa APT, siyempre, sa GMA 7 ito eere.
Kaya isang Kapuso artist daw ang nagbitaw ng dialogue na feel niya kung gaano siya kamahal ni Kris dahil sinundan pa siya sa GMA 7.
Kung ganu’n ang mangyari, masaya ito! Abangan na lang natin!
Written by: Gorgy Rula
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments