Loading...

Breaking News

Dahil Star Magic talent Heaven Peralejo malakas ang kapit sa loob ng bahay ni kuya?!

Iniintriga ngayon si Heaven Peralejo isa sa mga PBB teen housemate na diumano malakas daw ang kapit sa loob ng bahay ni kuya dahil Star Magic talent ito.

May nagtatanong kung bakit hindi sa Celebrity Edition siya ipinasok gayon talent naman ito ng Star Magic, kailangan nya ba ng exposure at ang programa Pinoy Big Brother ang magiging daan upang makilala siya?


Ansabe ay pamangkin siya ni Rica Peralejo at mukhang may special treatment diumano siya sa loob ng bahay ni kuya totoo ba ito big brother? Sinilip din namin ang Instagram account ni Heaven kung totoo ngang Star Magic talent ito.

A photo posted by Heaven Lyan Peralejo (@heavenperalejo) on


A photo posted by Heaven Lyan Peralejo (@heavenperalejo) on



Sa pagpasok nya ng bahay ni kuya hindi sila nagkita ng kanyang ina upang magpaalam na papasok siya sa nasabing programa. Special treatment diumano ito kaya nga ba may task si kuya kina May-May at Marco para makita ni Heaven ang kanyang ina sa loob ng 100 seconds at nangyari ito wala pang isang linggo bago sila pumasok.

Mukhang kinaiinisan ngayong ng pinoy viewers si Heaven dahil sey nila masyado itong Pabebe sa big brother house at diumano plastik at hindi naman daw ito mabait sa ilang housemates.

Kagabi ay naganap ang 1st nomination night ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Teen Edition at may namumuong tensyon sa pagitan nila Kisses Delavin at Heaven Peralejo. Ayon kay Kisses hindi nya alam kung bakit tila binabalewala siya ni Heaven kapag may mga usapan ang mga housemates.

Kung noon ay kinaiinisan si Kisses dahil maarte at paulit-ulit nitong sinasabi na isa siyang Beauty Queen nagbago ang lahat sa mahigit dalawang linggo nilang pananatili sa bahay ni kuya dahil kinaiinisan na ngayong si Heaven.

Sabi ng ilan ay nag-inarte diumano si Heaven sa nagawang violation nila, kung ang ibang housemates ay nakaya ang parusa na ibinigay ni kuya pero bakit siya ay hindi kinaya? Totoo kayang piling pili lang ang ipinalabas ni kuya sa pag-iinarte ng dalaga?

May fans din ang galit kay Heaven partikular ang MayWard at MayCo dahil masayado diumano ito papansin kina Edward at Marco. Pinuna din ng ilan na sa murang edad ay nagpahalik kaagad ito kay Marco dahil nga ba hindi sapat ang salitang "Thank You" para pasalamatan ang binata.

Painit na painit ang mga nagaganap ngayong sa loob ng bahay ni kuya, kaya maging updated 24/7 sa pamamagitan ng live streaming dito Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Teen Edition Live Stream.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments