Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actress sukdulan na ang kamalditahan, kailangan nang turuan ng leksyon!

KAILANGANG rendahan na agad-agad ng kanyang network ang lumulutang na kamalditahan ng isa nilang young actress.

Marami nang nakakaramdam ng kasupladahan niya, may mga nagtatanim na ng sama ng loob sa kanya, kaya bago pa siya makatikim ng harap-harapang litanya mula sa kanyang mga kasamang artista ay mas maganda nang mapangaralan ng kanyang mga ehekutibo ang nagmamalditang young actress.

Bagito pa lang ang batang aktres na ito, wala pa siyang napatutunayan kung tutuusin, pero kung makaasta ang babaeng ito ay parang punumpuno na ng trophy ang kanyang sala.

Matigas ang ulo ng bagitong young actress, hindi siya nakikinig sa payo ng mga taong namamahala sa kanyang career, kung ano ang gusto niya ang dapat kunong masunod.


Kuwento ng isang source, “Ano ba naman ang ipinagmamalaki niya, e, isa lang naman siya sa marami sa station nila? Kung sana, e, poste na siya ng network, kung sana, e, bankable na siya!

“Pero wala pa naman siyang napapatunayan, tama bang ipagmalaki niya ang mga ginagawa niyang shows na wala namang dating? Ano ba ang ipinagmamalaki niya, ang sexy body kuno niya?” inis na kuwento ng aming impormante.

Sa shooting ng isang bagong pelikula kung saan ang babaeng ito ang kinuhang leading lady ay nagparamdam na naman siya ng kaangasan. “Dumating ang mga reporters para mag-interview ng cast, nandu’n na ang bidang male personality, pero siya, nasa car pa rin, ayaw lumabas!

“Kundi pa siya sinabihan ng production staff na nag-effort ang mga press people para lang makarating sa location, e, hindi pa siya bababa sa car niya? “Sino ba ang peg niya? Ang kapangalan niyang young actress na maldita rin?

Tantanan niya ang maagang pagmamaldita at baka nakaabang na ang pagbagsak ng career niya hindi pa man!” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra, isa pang istorya ito ng kung anuman ang kinikimkim mo, e, ilabas mo!

Written by: Cristy Fermin

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments