Loading...

Breaking News

Alessandra De Rossi balik Kapamilya Network, pasok sa teleserye Langit Lupa at FPJ's Ang Probinsyano!

Makalipas ang limang taon ng layasan nya ang ABS-CBN muling nagbabalik Kapamilya Network ang magaling na aktres na si Alessandra De Rossi.

Sa mga hindi nakakaalam una nyang proyekto sa telebisyon ang Oka Tokat na umere noong 1996 at natapos naman taong 2002. Lumipat siya taong 2001 at una nyang programa ginawa sa GMA ang Biglang Sibol, Bayang Impasible.

Pagkatapos nyang makipagsapalaran sa GMA balik ABS-CBN siya via I Love Betty La Fea taong 2008 at naging bahagi siya ng mga teleserye Tayong Dalawa, Komiks Presents Dragonna, Magkaribal, Agua Bendita, Green Rose at marami pang iba.


Taong 2011 naman ng lumipat ulit siya sa GMA at makalipas ang limang taon nagbabalik muli si Alessandra De Rosi sa ABS-CBN ang isa sa mga respetadong aktres sa kanyang henerasyon.

Last month nasilayan natin siya sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya at tuloy na tuloy na ang pagbabalik Kapamilya nya.

Kasama sa inaabangan na kapamilya teleserye Langit Lupa si Alessandra na pagbibidahan nila Jason Abalos, Patrick Garcia, Yam Concepcion at ToMiho na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Bukod sa Langit Lupa papasok din si Alessandra de Rossi sa hit teleserye FPJ's Ang Probinsyano bilang si Jennifer "Yaya Jen" Magbanua.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments