Loading...

Breaking News

Bossing pinayagang manligaw ang anak na si Vico Sotto kay Maine Mendoza, pareho naman daw single!

NU’NG unang itsika ng aming source ang tungkol sa plano ng anak ni Vic Sotto na si Vico na ligawan si Maine Mendoza ay parang hindi pa kami masyadong nakumbinse.

Pero sa ikalawang pagkakataon nang magkuwento ulit ang aming source over dinner ay talagang na-curious na kami.

Kuwento sa amin ay nagpaalam na raw si Vico sa daddy niyang si Bossing Vic para ligawan si Maine at umokey naman daw ang TV host. Wala naman daw nakikitang masama ang komedyante kung manligaw ang anak kay Maine.

Oo nga, wala namang dahilan para hindi payagan ni Vic ang binatang anak na pormahan si Maine, single naman ang dalaga ngayon at single rin si Vico.

Hindi nga lang daw ito ipinangangalandakan ng mga taong involved dahil baka makasira nga sa loveteam nina Maine at Alden Richards. Siguradong magiging negatibo ang dating ni Vico sa AlDub fans na ayaw na ayaw may nali-link na iba sa kanilang mga idolo.

Bigla naming sinilip ang Twitter account ng anak nina Vic at Coney Reyes at dito nga namin nabasa ang mga komento ng kanyang followers na pabor sa kanila ni Yaya Dub. Ayon sa isang netizen, “Bagay kayo ni Maine. Go lang kung type mo talaga syang ligawan.”

Kaya pala tinanong kami ng aming source kung ano ang feedback ng mga tao kay Vico na isang konsehal ngayon sa Pasig City. Sabi namin, may mga pabor sa dalawa at meron ding hindi lalo na ang mga possessive na fans ng AlDub.

Hmmmm, interesado tuloy kaming makatsikahan sina Vico, Maine at Alden para itanong kung okey lang ba sa kanila ang love triangle.

Written by: Reggee Bonoan

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments