Loading...

Breaking News

Kalye Serye tuluyan ng naiba ang istorya naging Lola Serye na, airtime nito nabawasan!

Tuluyan na ngang nabawasan ang airtime ng segment na Kalye Serye ng Eat Bulaga at maraming Aldub fans ang nag beastmode.

Sa pagbabalik ng Aldub galing Italya marami ang nakapansin dahil tila naiba na ang istorya ng Kalye Serye minahal ng pinoy viewers.

Ang istorya ngayong ay naka pokus sa mga Lola's dahil isiningit nila ang Lola's Playlist kaya ang siste lumaylay ang kilig moments ng AlDub at wala na gaanong paandar sa nasabing loveteam naging Lola Serye na ito.

Sinilip din namin ang official Facebook fan page ng Eat Bulaga dahil sey nila bumaba ang mga nagli-likes at nagkokoment sa naturang page.


May ilang Aldub fans din ang bumitiw sa istorya at may ilan din sa kanila ang galit na nagkomento dahil hindi sila pinakikinggan kung ano ang suggestion nila para sa Kalye Serye.

Nabawasan din ang airtime nito at nararamdaman na din ang pagbaba ng populiridad ng AlDub, pati milyon tweets nito ay bumaba at hindi na gaano binabalita sa Unang Hirit, 24 Oras at Saksi ang moments ng Aldub na dati ay araw-araw nila binabalita.

Simula na din ang pagbulusok ng ratings ng Eat Bulaga dahil simula pumasok ang 2016 biglang umariba sa ratings ang katapat nitong It's Showtime ang dahilan sa pagtaas nito ay ang segment nila na Tawag ng Tanghalan.

Hindi ba naaalarma ang Eat Bulaga dahil anim na buwan na itong luhaan sa ratings parang tahimik sila ngayon dahil umurong ang dila ni Joey de Leon wala gaanong banat sa katapat na show.

Narito din ang ilang komento ng Aldub fans mula sa Facebook page ng Eat Bulaga.





For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments