Loading...

Breaking News

'Top One Project' Boy Band Launches Debut Album.

Sa press launch ng album ng Top One Project o T.O.P. para sa GMA Records ay naitanong sa grupo kung ano ang paborito nilang kanta sa album nila at kung kanino nila ito ide-dedicate.

Ang limang miyembro ng T.O.P ay mga winners ng multi-platform boy band competition na To The Top ng GMA-7.

Ang limang winners ay sina Adrian, Miko M., Joshua Jacobe, Mico Cruz at Louie Pedroso.

“Para po sa akin ang favorite song ko sa album is 'Pag-gising' kasi ito po lagi ang kinakanta namin sa mga mall shows, and dine-dedicate ko po ito sa mga fans, kasi po ang meaning ng song ay gumising ka sa umaga na kasama mo yung taong mahal mo.


“Kasi po mahal po namin yung mga fans namin and sana bawat paggising po namin e nandiyan pa rin sila para sumuporta sa amin,” sagot ni Adrian Pascual.

“Ang favorite song ko is 'Alaala' kasi ito po yung song na kinompose sa To The Top para dun sa finale and nire-remember po lahat ng journey namin dun sa To the Top.

“So dine-dedicate po naming yung sa brothers namin sa show na hindi namin nakakalimutan hanggang ngayon.

“Hanggang ngayon po nagsasama-sama pa rin po kami outside the show po,” sabi naman ni Miko Manguba.
Paborito ni Louie Pedroso ang “Somebody,” si Joshua Jacobe naman ay ang “San Na,” si Mico Cruz naman ay pareho ni Adrian na paborito ang “Pag-gising” ang kantang gusto sa album nila. Ang iba pang mga awitin sa album nila ay ang “Kaya Ko, Kaya Mo” at” Bakit Gano’n?”


Written by: Rommel Gonzales

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments