Teleserye ng ABS-CBN, pabonggahan ang shooting place.
ANG taray ng cast ng seryeng The Promise of Forever na pagbibidahan nina Ritz Azul, Ejay Falcon, Yana Asistio, Nico Antonio, at Paulo Avelino, dahil kasalukuyan silang nasa Belgium ngayon para sa shooting.
Love story na nabuo sa barko ang gist ng The Promise of Forever dahil dito nagkakilala sina Ritz at Paulo samantalang si Ejay ay kababata ng una na naging kasamahan na rin niya sa biyahe.
Sa Europe ang shooting ng The Promise of Forever at base sa IG post ng Dreamscapeph ay umalis ang grupo noong Mayo 17 at sa Prague, Czech Republic sila unang bumaba na nag-courtesy call sila kay Ambassador Jaroslav Olsa Jr., na tuwang-tuwa rin dahil ito pa lang daw ang seryeng unang nag-shoot sa bansa nila at sana maging maganda ang kalabasan ng partnership nila ng ABS-CBN para, “bring more Filipinos to visit our beautiful Czech Republic,” anang Ambassador.
Samantala, first time ni Ritz na makapunta ng Europe kaya naman panay ang kuha niya ng litrato sa mga magagandang tanawin doon at siyempre panay din ang selfie niya.
Si Yana ang bestfriend ni Ritz sa serye kaya sila ang nakita naming laging magkasama sa picture na na-post ng Dreamscapeph. Aliw ang ABS-CBN dahil pabonggahan ng shooting ng mga teleserye sa ibang bansa tulad ng Italy, New York, at Europe.
Written by: Reggee Bonoan
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments