Loading...

Breaking News

Mocha Uson kinuyog ng netizens, Ogie Diaz nagsalita at binanatan si Mocha kaugnay kay Leni Robredo.

Nagsalita at binanatan ni Ogie Diaz ang naging pahayag ni Mocha Uson sa kanyang open letter sa incoming Vice President na si Leni Robredo.

Aniya naging OA diumano si Mocha sa  ipinost nito sa kanyang Facebook fan page na kung saan nagbabanta na sapilitan paalisin si VP-Leni Robredo kapag kinalaban at subukan agawin ang mandato ni Rody Duterte.


Sa naging post ni Mocha Uson kinuyog naman siya ng netizens kaugnay sa naging pahayag nya, nakatikim ito ng panglalait at masasakit na salita.

Narito ang naging pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang facebook account.

Si Mocha Uson, binabakbakan ngayon ng netizens. Kasi ba naman, bantaan ba naman si VP-Elect Leni Robredo na 'wag aagawin ang mandato kay Pres. Elect Duterte.

Kaya pati 'yung ibang supporters ni Duterte, naiirita sa kanya. Kung kelan naman nanalo si Digong, du'n naman ito nag-um-OA. Makikipaglaban para kay Duterte, tapos, pag nagso-show naman ang grupo nilang mga kababaihan, ina-arouse nila ang mga male audience sa dance number nila.

Kukuha ng lalake sa audience. Dadalhin sa stage. Pauupuin sa silya at ila-lap dance nila yung lalake na talagang tinutukso nila para maelya. Ewan na kung ano ang kasunod doon.

So pag binastos kayo ng lalake, iiyak kayo, tapos, ang magtatanggol pa pala sa inyo ay isa ring babae, si Leni Robredo. Di ba?

Kaya 'wag kang OA, Mocha. Di porke nanalo si Digong eh may karapatan ka nang magtututungayaw diyan na wala naman sa katwiran.

Kung ako sa 'yo, ikaw ang magsimula na ang babae ay dapat nirerespeto. At mangyayari yan kung magso-show na kayo ng grupo mo nang karespe-respeto.


Ilang din netizens ang  nadismaya at nagpahayag ng kanilang ipinyon sa post ni Mocha Uson.





For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: